ROSAS NG BUHAY MO
by: Leonalyn Mutia Tayone

ROSAS NG BUHAY MO
Para sa'yo ako'y isang rosas na mamahalin
Sa paligid ito'y magandang tanawin
Animo'y kay sarap pitasin
Upang ibigay sa akin.
Naku! Ang sweet naman
Sa akin mo pa ibibigay ang rosas na 'yan
Hindi ka pa sigurado sa aking nararamdaman
Kung kanino ito nakalaan.
Ikaw nga pala 'yung paru-paro
Pinili ang rosas pagka't ito'y iyong gusto
Ngunit ang rosas ay malayo sa'yo
Pero naamoy mo na ang bango nito.
Sa buhay mo ako'y isang rosas
Dinidiligan upang ipakita ang pag-ibig na wagas.
Bantayan mo itong rosas
Dahil marami ang gustong pumitas.

Leonalyn Tayone-Sanchez
Date: Oct 30, 1997
Time: 10:55-11:19am