DI BA SABI MO?
by: Leonalyn Mutia Tayone

Diba sabi mo?

Diba sabi mo
Di mo kayang mawala ako
Noon pa man hindi kita iniwan
Ikaw ngayon ang lumisan

Diba sabi mo
Ako lang ang mahalin mo
Bakit ngayon may iba ka
Panghabangbuhay mo pa ikinakasama

Diba sabi mo
Hihintayin mo ako
Ngunit sa pagbalik ko
Wala ka na para sunduin ako

Diba sabi mo
Kahit anong mangyari walang iwanan tayo
Problema'y dumating sa atin
Ako'y tinalikuran mo rin

Diba sabi mo
Hindi ako luluha sa piling mo
Ngayon habangbuhay akong mawawalan
Pagkat puso koy iyong iniwanan

By: lyn-lyn Tayone-Sanchez
September 9, 2000