DAHIL NURSE LANG AKO
by: Leonalyn Mutia Tayone

DAHIL NURSE LANG AKO
POEM by: Leonalyn Mutia-Tayone

Ganito lang kasimpli ang trabaho ko
Halos walang oras para uminom ako
Tawag doon, tawag dito
Ang galing ng mga pasyente ko

Pagdating sa bedside nila
Si nurse nakangita pa
Oh bakit po tumawag sila
Tugon ni nurse na maganda

Paki turn off ng light lang
Oh anong silbi ni bantay lang
Na yung switch ay abot kamay lang
Pero gagawin pa rin ni Nurse Lang

Bawal kang mainis sa kunting bagay na yan
Pasensya ay kailangan mong habaan
Laging intindihin ang kanilang kalagayan
Ang pagiging nurse mo ngayon mas kailangan

Nurse... minsan minamaliit
Pero sa mga pasyenteng laging galit
Sayawan mo lang ng paulit ulit
Ayun nakangiti na si pasyenteng makulit

Yung mga confused na pasyente natin
Mga non stop tawag at tanong dapat sagutin
Para magbehave, ganito ang lagi mong gawin
"I'm your most beautiful nurse Leonalyn"

Ayun nagulat si confused patient natin
Akala nya sya lang marunong magpapansin
Si best in callbell sa wakas tahimik na rin
Yun pala ayaw nyang makita si most beautiful nurse Leonalyn

Marami ng dumating na bedridden
May mga bantay na mas marunong pa sa atin
Habaan ang pasensya, sila'y dapat nating intindihin
Pero sa katagalan magiging friend mo rin

Dahil makikita nila yung galing mo
Yung pag-aaruga na galing sa puso mo
Si bedridden umuwing naglalakad dahil sayo
Dahil nurse nga lang ako

PS:
Kung dati sina swab ako ng katrabaho ko....
Ngayon ako naman ang mang swab sa inyo....
No worries dahandahanin ko
Sa totoo lang alam kong pangit ako dito...

Pero gaano man ako kapangit sa tingin mo,
Ewan ko nalang kung mabilang nyo
Kung ilang pasyente na ang na revive nito...
Done with my online courses... then next day is my Covid19 Crash Course...

Never ending trainings... dahil nurse nga lang ako....

Dugtungan ko pa.... para mabasa ng iba... yung reply ko sa isa....
Bilang isang Nurse... dapat tayo'y patas....

Simula ng pinasok ko ang trabahong ito
Pantay pantay na ang pag aalaga ko
Sa mga pasyente hinahawakan ko
Mayaman man o mahirap, walang pagbabago

Hindi ko na mabilang mga pasasalamat nila
Sa mga pasyenteng natutuwa sa aking patas na pag aaruga
Dahil kahit silay walang wala pa
Mas naaalagaan ko pa

Kadalasan kasi sa mga pasyente
Kung sino pa yung walang money
Sila pa yong super mapagbigay ng ngiti
At sa kanila ako humuhugot ng lakas kapag akoy pagod na sa duty