HUWAG MANGAMBA KUNG IKA'Y NAG-IISA by: Aileen Mutia Malabago-Diango |
HUWAG MANGAMBA KUNG IKA'Y NAG-IISA Kung ika'y nag-iisa at nalulumbay, Kumapit ka lang sa akin at ako'y iyong makakaramay. May pag-asa habang tayo'y nabubuhay, Kung tayo'y magsumikap kahit walang umaakay. Anong haba man ng gabi, Makakagising ka ring maluwalhati, May maidudulot din naman ang pagkukunwari, Nang hindi ka maaapi sa bandang huli. Bilog nga ang mundo, Di natin alam kung saan patutungo, Batid natin na tayong lahat sa Diyos ay may puwang sa kanyang puso, Kaya nga siya sa krus ay nakapako. Hindi man natin ito maintindihan sa ngayon, Basta ang alam ko mahal tayo ng panginoon, Kung sino man sa akin ay sumasang-ayon, Mapapalad ka pagdating ng panahon. Kaya huwag mangamba kung sa gabi ika'y nag-iisa, Huminga ng malalim na nakapikit ang mga mata, Sabay dalangin ng ating mahal na Diyos Ama, At umaasang darating din ang umaga. |